-- Advertisements --
Nabili na ng rapper na is Kanye West ang kumpanyang Parlement Technologies, ang parent company ng social media app na Parler.
Ayon sa nabanggit na kumpanya na maisasara ang deal sa kontrata sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Hindi naman nagbigay ng anumang detalye ang kumpanya kung magkano ito na nabili ng rapper na si Ye.
Noong nakaraang linggo kasi ay nasuspendi ang Twitter at Instagram account ng rapper dahil sa anti-Semitic post nito.
Noong nakaraang buwan ay ibinunyag niya na tinapos na nito ang kaniyang kontrata sa kumpanyang GAP dahil sa hindi sumunod ang mga ito sa kontrata.