-- Advertisements --
Nagkaroon na ng kasunduan ang dating mag-asawa na sina Kanye West at Kim Kardashian.
Isa sa laman ng nasabing kasunduan ay ang pagsustento ni Kanye ng $200,000 kada buwan bilang child support.
Maghahati aniya sila ng oras para sa kustodiya ng kanilang apat na anak.
Ikinasal ang dalawa noong 2014 sa Italy at noong Pebrero 2021 ay naghain ng divorce si Kardashian.
Noong Marso 2022 ay idineklarang legally single si Kardashian matapos na payagan ng korte na palitan ang kaniyang marital status.