-- Advertisements --

Nananatili sa unang puwesto sa ikatlong sunod na linggo ng Billboard Hot 100 chart ang kanta ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas Is You”.

Sinundan ito ng lima pang holiday songs na “Rockin’ Around The Christmas Tree”, “Jingle Bell Rock”, “A Holy Jolly Christmas”, ” Last Christmas” at “It’s The Most Wonderful Time of The Year”.

Ayon sa Billboard na mayroong 48.7 million streams ang nasabing kanta, 39.5-M radio airplay audience impression at nakabenta ng 11,000 donwloads sa US mula Disyembre 16 hanggang 22.

Pinasalamatan naman ni Carey ang kaniyang mga fans matapos ang tagumpay na kaniyang nakamit.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan ng pasasalamat sa fans dahil sa tagumpay na kaniyang nakamit.