-- Advertisements --
Nagtala ng panibagong record ang BTS member na si Jimin matapos na maging unang South Korean solo artist na nakapasok sa pagiging numero 1 sa Billboard.
Pasok kasi sa numero 1 ang kanta nitong “Like Crazy” sa Billboard’s Hot 100 ngayong linggo.
Tinalo nito ang kantang “Flowers” ni Miley Cyrus na hawak ang puwesto ng walong linggo.
Ang album naman nito na “Face” ay nasa pangalwang puwesto ng Billboard’s main album chart na siyang nakakuha rin ng highest-charting album ng isang South Korean solo musician.
Nahigitan nito ang album na “Indigo” ni BTS member na si RM na umabot ng number 3 noong Disyembre.