Nagpakawala ng halos 3,000 tonelada na sulfur dioxide ang nitong Sabado at nakapagtala naman ngayong araw ng 17 volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon batay sa naging inisyal na report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Kasabay ng volcanic earthquakes, nakapagtala din ng tatlong ashing events ang Kanlaon at nakitaan din ng pamamaga o ground deformation sa bunganga nito.
Kaagad namang itinaas sa Alert Level 2 ang bulkan dahil sa sunod-sunod na malalakas na pagbubuga nito na mayroong 500 metro ang taas.
Sa ilalim ng alert level 2, pinaalalahanan ang mga residente sa lugar na mahigpit ng ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng permanent danger zone sa Bulkang Kanlaon dahil posibleng magkaroon ng phreatic explosions. // (Bea Peniza)