-- Advertisements --

Tiwala ang kampo ng actor na si Vhong Navarro na mapapayagan silang pansamantalang makapagpiyansa.

Sa isinagawang ika-limang bail hearing sa rape case na isinampa sa actor pinangunahan ni Atty. Mallonga ang abogado ni Navarro sa pag-cross examine sa complainant na si Denice Cornejo.

Pinili ng actor na sumalang sa video conference habang personal na dumalo sa hearing si Cornejo kasama ang abogado nito na si Atty. Howard Calleja.

Hindi na nagbigay pa ng panayam ang model-actress matapos ang hearing.

Ayon kay Atty. Mallongga na kampante siya na makakapagdiwang ng pasko ang actor kasama ang pamilya nito.

Sa araw naman ng Biyernes ay isasagawa ang formal offer of documentary evidence at sa araw ng Lunes ay isusumite na ito for resolusyon.