Susubukan umano ng kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na mailabas na sa kulungan ang Amerikanong sundalo ngayong linggo matapos pagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon.
Sinabi ng counsel ni Pemberton na si Atty. Rowena Garcia-Flores na nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) para sa pagpapalaya kay Pemberton.
Paliwanag ng abogado, kailangan nila ang mga otoridad sa pagpapalaya sa sundalo para maiwasan daw ang media circus.
Tiniyak din ni Flores na susunod si Pemberton sa requirements na ibibigay ng NBI at BI sa pagpapalaya sa sundalo.
Kagabi nang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang absolute pardon para sa Amerikanong sundalo.
Labis naman itong ikinalungkot ng kampo ni Jeffrey alyas Jennifer Laude na pinaslang ng naturang sundalo noong 2014.