-- Advertisements --

Umapela sa korte ng Russia ang kampo ni WNBA star Brittnney Griner para mabawasan ang siyam na taon na hatol sa kaniya.

Noong Agosto 4 kasi ay inilabas ang hatol kay Griner dahil sa posesyon nito ng iligal na droga.

Unang naghain na ito ng guilty plea at sinabing nagkaroon lamang siya ng honest mistake sa pangyayari ng pumasok siya sa Russia na may dalang cannabis oil.

Ayon naman sa US Government na namali lamang ang Russia sa pagkakakulong kay Griner kaya nag-alok sila ng palit-preso kay Viktor Bout na isang Russian arms dealer na hinatulang makulong ng 25 taon sa US.

Magugunitang naaresto si Griner habang ito ay nasa paliparan ng Russia ng makita ang iligal na substance sa cartridge ng kaniyang vape.