-- Advertisements --
kamara1

Target ng House of Representatives na magkaroon ng feasible agricultural infrastructure projects sa bansa para makamit ang pangmatagalang suplay ng bigas at seguridad sa pagkain.

Sa inilabas na statement ngayong araw, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na nakipagkita ito sa ilang mamababatas at malalaking rice stakeholdrs para tukuyin ang kaukulan at mahahalagang pasilidad at sistemang kailangan ng sektor ng agrikultura.

Natalakay din ang mga hakbang upang mapalago pa ang produksiyon ng bigas sa bansa at produce rates.

Dito, ipinanukala din ni House Appropriations Chair at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co na tangalin na ang traders o middlemen sa pamamagitan ng pagbili ng direkta sa mga prinoduce na produktong pang-agrikultura mula sa mga magsasaka.

Inirekomenda din ng mambabatas ang paggamit ng solar fertigation na isang proseso ng irigasyon na maaaring magpdoble sa cropping cycles at tutukoy sa mga istratehikong lokasyon para sa mahahahlagang agricultural structures kabilang na ang cold storage at blast freezing upang maging food terminal.

Inihalimbawa ng mambabatas bilang fundamental agricultural structure ang “Rice Silos” sa Nueva Ecija na mahalagang parte ng industriya ng bigas sa probinsiya na nagbibigay ng steady na suplay ng bigas sa merkado at naiiwasan ang pagkalugi sa post harvest.