-- Advertisements --

Nasa tamang direksiyon umano ang Kamara sa pagsusulong ng isang sovereign wealth fund na layunin na mabigyan ng benepisyo ang mga darating na henerasyon.

Ito ang reaksiyon ni Speaker Romualdez sa resulta ng data research firm na TANGERE na isinagawa noong December 8 to 10 ilang araw bago napagtibay ng Kamara ang House Bill No. 6608.

Nasa 2,400 respondents ang lumahok sa nasabing survey kung saan 12-percent mula sa Metro Manila; 23-percent mula sa North at Central Luzon; 22-percent mula sa South Luzon; 20-percent mula sa Visayas at 23-percent sa Mindanao.

Ayon kay Martin Penaflor, Chief Executive Officer at founder ng data research firm na TANGERE, 2,010 o katumbas ng 83.75-percent ng 2,400 respondents ay “aware” sa MIF bill.

Muli naman tiniyak ni Romualdez na may sapat na safeguards at pinagtibay ang mga amyenda sa Maharlika Investment Fund bill (MIF) para masiguro na mabibigyan ng proteksiyon ang pondo ng bayan.

Samantala, ang Philippine Stock Exchange ang pinakahuling business group na naghayag ng suporta sa MIF.

Ayon naman kay PSE President and CEO Ramon Monzon, ang proposed sovereign fund ay makatutulong para ma-mobilize ang captial for development.