Inatasan ng House Committee on Legislative Franchises ang mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC) na magpaliwanag kung bakit hindi dapat i-cite for contempt kasunod nang pagpapalabas ng cease and desist order laban sa ABS-CBN.
Binibigyan ng komite 72 oras para magpaliwanag sina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Deputy Commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles, at Atty Ella Blanca Lopez ang Head ng Legal Branch ng ahensya.
“The act of NTC constitutes undue interference on and disobedience to the exercise of power of the House of Representatives, and therefore, an affront to its dignity and an inexcusable disrespect of its authority,” bahagi ng show cause order ng komote.
Ayon sa komite, na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez, Marso 10, 2020 nang magsabi ang NTC na nila ang ABS-CBN na maipagpatuloy ang kanilang operasyon hanggang sa makabuo ng desisyon ang Kongreso sa pending na franchise renewal application ng kompanya.
Tinukoy ng komite na mayroon nang mga pagkakataon na pinahintulutan ng NTC na makapag-operate ang ilang broadcast companies habang nakabinbin pa sa kongreso ang kanilang prangkisa.
Bukod dito, malinaw din aniya ang legal opinion na inilabas ng Department of Justice at direktiba mula sa Kamara na dapat payagan muna ng NTC ang ABS-CBN na makapag-operate pa rin habang pending pa ang desisyon ng Kongreso sa franchise renewal bills.
Sa oras na hindi tatalima sa kautusan ang mga pinagpapaliwanag na opisyal ng NTC, nagbabala ang komite na ipapa-contempt ang mga ito salig sa kapangyarihan na mayroon ang Kamara.