-- Advertisements --

Nagsalita na si Speaker Martin Romualdez kaugnay sa pagkakatalaga kay dating Valenzuela Representative Rex Gatchlian na nanumpa na kagabi kay Pangulong Bongbong Marcos sa Malacañang.

Ayon kay Romualdez kawalan si Gatchalian sa Kamara subalit maituturing na “gain” naman ito sa DSWD.

Binati ni Romualdez si Gatchalian sa kaniyang appointment.

Batid ni Speaker na ipapakita ng dating mambabatas ang kaniyang magandang trabaho dahil sa kaniyang di matatawarang serbisyo publiko lalo na sa dedikasyon, sipag na tiyak magiging tagumpay sa kaniyang bagong pwesto.

Sinabi ni Romualdez ngayong kalihim na ng DSWD si Gatchalian idedeklara ng bakante ang house seat ng dating mambabatas.

Makikipag-ugnayan din ang liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC).

Sinabi ni Speaker, layun nito na matalakay sa kinabibilangang partido ni dating Cong. Rex Gatchalian ang gagawing pagtatalaga ng caretaker sa congressional post na binakante ng bagong DSWD Secretary.

Kadalasan, ayon kay Speaker Romualdez na kapag may nababakanteng posisyon sa kongreso agad na nagtatalaga ng caretaker upang masiguro na magpapatuloy ang public service ng nabakanteng tanggapan ng isang mambabatas.

Inaasahan namang magpapasa ng resolusyon ukol dito ang Kamara.