-- Advertisements --

Prayoridad ng House of Representatives na tutukan ang kanilang mandato gawin ang kanilang legislative duties at tiyaking nagkakaisa ang lahat partikular sa kanilang hanay.

Tumanggi ng mag komento ang mga house leaders kaugnay sa walang basehan na panawagan ni Mayor Sebastian “Baste” Duterte para kay  Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na magbitiw sa pwesto.

Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang bilin ni  Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez wag ng pansinin ang pahayag ng alkalde na walang credible na basehan.

Pinatitiyak ni Speaker Romualdez na mag trabaho bilang isang team para sa ating mga kababayan.

Tinawag naman ng mga house leaders na kawalang galang ang pahayag ni Mayor Baste.

Nuong Lunes, pinagtibay ng Kamara ang isang reaolurion na nagpapahayag ng suporta kay Pang. Ferdinand Marcos Jr at sa kaniyang Bagong Pilipinas campaign.

Ang nasabing programa ay nanawagan ng pagkakaisa tungo sa isang progresibong bansa.