Kinumpirma ni House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga na nakatakda sa susunod na linggo magsasagawa ng pre-bicam meeting ang Kamara at Senado patungkol sa panukalang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.
Sinabi ni Enverga na hinihiling ng kanilang senate counterpart na magkaroon ng paunang pulong kaugnay sa panukala bago tuluyang isalang sa bicam.
Sinagot din ni Enverga ang pahayag ni Senator Cynthia Villar, chair ng komite sa Senado na ‘dini-deadma’ ng Kamara ang bicam para sa panukala.
Paliwanag pa ni Enverga magkaiba ang bersyon ng Senado at Kamara sa panukala.
Kung ang Kamara aniya ay amyenda lang ang nais, ang sa Senado naman ay buong pagbabago o repeal sa batas.
Kaya naman dito pa lang ay mayroon nang impasse sa kung kaninong bersyon ang magiging working draft ng bicam.
Pero ayon kay Enverga na simula pa lang ng taon ay nakikipag-ugnayan na sila sa Senate Agriculture Committee para sa amyenda na layong palakasin ang anti agricultural smuggling law ng bansa.