-- Advertisements --

Nagtakda na ng pagdinig ang Senate committee on public services ukol sa kalidad ng internet connection sa bansa.

Sa harap ito ng napipintong pagsisimula ng online classes para sa school year 2020-2021, kung saan internet ang pangunahing gagamitin bilang paraan para makapaghatid ng mga impormasyon sa mga mag-aaral.

Malaking bahagi kasi ng bansa ay gagamit ng gadgets bilang instructional tool ng mga guro patungo sa mga estudyante, habang doon din idadaan ang output ng mga bata.

Pero ngayon pa lang tambak na ang mga reklamo laban sa telecommunication companies, lalo na ng mga empleyadong naka-work from home at mga opisyal na gumagamit ng video conferencing.

Itinakda ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe ang hearing sa Hulyo 1, 2020 sa ganap na ala-1:30 ng hapon.

Isasalang din sa hearing ang iba pang pending bills, kasama na ang franchise renewal issues.