-- Advertisements --

Nananatili pa ring nakataas ang Kalayaan Islands sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 kahit tuluyan nang lumalayo ang bagyong Odette.

Sa pinakahuling update ng Pagasa, ang sentro ng bagyong Odette at namataan sa layong 180 kilometers northwest ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.

Ito ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 230 kph.

Ayon sa weather bureau, kumikilos ang naturang bagyo pa-west northwest sa bilis na 25 kph.

Mararanasan pa rin ang malakas hanggang sa torrential rains sa Kalayaan Islands hanggang bukas ng hapon.

Sa Lunes, asahang magiging severe tropical storm na lamang ang bagyong Odette.