-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang kalabaw na sapilitang pinainum ng isang drum na tubig upang bumigat ang timbang sa merkado publiko ng lungsod ng Digos.

Ayon kay Sofronio Lago, enforcement head ng National Meat Inspection Section (NMIS) na minsan tubig kanal ang ginagamit ng mga negosyante upang sapilitang ipainom sa kanilang pinabibigat na mga kalabaw.

Kinumpiska ng NMIS ang nasabing kalabaw matapos ang ilang oras mula nang namatay.

Inihulog naman sa septic tank ang nakumpiskang 114 kilo na karneng baka na nakumpiska mula sa merkado publiko ng Bansalan, Davao del Sur.

Ayon kay Sofronio Lago Jr., walang meat inspection certificate ang karne na isinilid lamang sa sako at pinaniwalaang mula sa lungsod ng Kidapawan.

Kinilalang hot meat at mishandled ang nasabing karne na isinilid lamang sa sako at isinakay sa running board ng bus.