Hindi naitago ni Sen. Panfilo Lacson na punahin ang kawalan umano ng action plan ng gobyerno kung paano tutugunan ang COVID-19 outbreak, ilang araw matapos ipasa ang Bayanihan to Heal as One Act.
Ayon kay Lacson, kung susuriin ang report na isinumite sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakalahad doon ang pagbibigay ng emergency assistance sa mga sektor na higit na apektado ng mga hakbang laban sa COVID-19, pagtiyak sa sapat ang pasilidad at resources para sa health sector at pagtugon para sa ekonomiya ng bansa.
Dismayado ang mambabatas na walang action plan kung paano maisasakatuparan at gugugulin ng implementing agencies ang pondo.
Dagdag pa ng senador, wala ring maayos na guidelines para makapagsagawa ng mass testing ang mga lokal na pamahalaan, kahit aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 rapid test kits na gawa ng mga eksperto mula sa DOST at UP.
Inalmahan din ni Lacson ang mistulang pamumuntos ng isang opisyal ng PACC sa ilang opisyal na nagkukusang tumulong sa frontliners, sa pamamagitan ng kanilang sariling inisyatibo.
“PACC’s COVID-19 Motto: “LAHAT NG TUTULONG, IKUKULONG,” Twitter post ni Lacson.