-- Advertisements --
Ang kakulangan sa contact-tracing ang nakikita ng World Health Organization (WHO) kaya tumataas ang kaso ng coronavirus sa Europa.
Ayon sa WHO na kulang ang kapasidad ng maraming bansa sa Europa na magsagawa ng contact tracing.
Pinangangambahan nila na dahil sa nasabing kakulangan ay posibleng mas lalong tataas pa ang kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon.
Nararapat na aniya na gumawa na ng hakbang ang mga bansa na Europa ng epektibong contact tracing para agad na hindi na kumalat pa ang COVID-19.










