-- Advertisements --

Target ni Gilas Pilipinas player Kai Sotto na makapaglaro na sa Enero 2026.

Ito ay dahil sa patuloy ang recovery niya mula sa ACL injury.

Sinabi ng 7-foot-3 na hihintayin niya ang medical clearance para makabalik sa paglalaro.

Bagamat may pananakit pa rin sa tuhod ay bumubuti naman ito ngayon.

Sasama rin ito sa Guam para manood ang laro ng Gilas Pilipinas sa darating na Nobyembre 28 bilang suporta sa National basketball team sa pagsisimula ng window 1 ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.