-- Advertisements --

Muling maglalaro sa Australian National Basketball League (NBL) si Filipino basketball player Kai Sotto matapos ang bigong makapsok sa NBA.

Kinumpirma ito ng Adelaide 36ers coach CJ Bruton ang pangalawang taon na paglalaro ng 7-foot Piny hoop player.

Mayroo pa kasing natitirang dalawang taon si Sotto sa koponan kung saan ang pangatlong taon ay magiging team option.

Sumabak si Sotto sa 23 laro sa unang NBL season na mayroong average na 7.6 points, 4.5 rebounds at 0.7 blocks per game.