-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng basketball star na si Kai Sotto at ng kaniyang misis na si Rere Madrid na sila ay magkakaroon na ng kanilang unang anak.

Sa isang social media post noong Lunes, Hunyo 22, ibinunyag ng mag-asawa ang magandang balita sa pamamagitan ng isang video na naglalaman ng mga espesyal na sandali kasama ang kanilang mga pamilya, pati na rin ang ultrasound ng kanilang magiging sanggol.

“For a while, we’ve been living in our own little world. Holding onto a secret that made every day feel like an adventure,” saad ni Sotto sa kanyang post.

Kasunod nito ay masaya niyang inanunsyo ang kanilang pagdadalang-tao sa mensaheng: “WE’RE HAVING A BABY!!!”

Dagdag pa niya, “Our greatest adventure is just beginning, and you’re already the best part of it. Now, team GIRL or team BOY.”

Agad namang umani ng libo-libong pagbati mula sa mga netizen at mga personalidad sa showbiz at sports ang naturang anunsyo.

Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati ang kapatid ni Rere na si Ruru Madrid.

“Congratulations Bunso at Bayaw! Mahal ko kayo,” mensahe ni Ruru sa mag-asawa.

Matatandaang noong Mayo 27 ay ikinagulat ng marami ang pag-aanunsyo nina Kai at Rere ng kanilang kasal.

Bago nito, opisyal nilang inilantad sa publiko ang kanilang relasyon noong Hulyo 2024 nang magkasama silang dumalo sa isang gala.