-- Advertisements --

Naniniwala si Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na may mga pagkakataong kailangang sumagot ng “hindi” sa mga kahilingan.

Uulit lang daw kasi ang hirap na nararanasan ng bansa ngayon at walang maaabot na tunay na progreso laban sa coronavirus disease kung ipipilit ng publiko ang mga non-essential activities.

Ayon kay Lopez, na nag-positibo rin mula sa nakamamatay na virus noong Marso, na hindi dapat magpakampante ang mga Pilipino kahit pa inilagay na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR-plus.

Kailangan pa aniyang maabot ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19.

Nakadepende raw ang sitwasyon ng bansa sa hospital care, capacity at COVID-19 cases.

Sa kabila nito, hinikayat pa rin ng kalihim ang publiko na huwag munang magsagawa o sumali sa mga non-essential gatherings.

Sakali mang ilagay na ang bansa sa general community quarantine ay ipagbabawal pa rin ang non-essential gatherings hanggang sa maging kumpyansa na ang lahat na naabot na ng Pilipinas ang herd immunity at mabakunahan na ang karamihan ng populasyon sa bansa.

Hindi naman aniya maituturing na “super spreader” sa tumataas na kaso ng deadly virus ang muling pagbubukas ng mga workplaces.

Batay umano sa datos ay aabot lang ng 20 percent ng cluster ng COVID-19 cases ang galing sa mga kumpanya.