-- Advertisements --
Binuksan ang Kadiwa ng Pangulo sa ilang lugar sa Metro Manila mula Marso 18 hanggang sa 27.
Kaugnay nito, hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na suportahan ito sa pamamagitan ng pamimili ng mga ibinibentang produkto sa abot-kayang halaga.
Ang KNP ay isang inisyatibo ng pamahalaan para mabigyan ng rent-free selling areas ang mga magsasaka at maliliit na negosyo o micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Una rito, isinagawa ng DA ang pagbebenta ng mahigit 160 tonelada ng highland vegetables sa pamamagitan ng Kadiwa Veggie Connect at iba pang pang mga programa para mailapit ang mga agri products sa merkado.