-- Advertisements --

Kadiwa ng Pangulo, planong itayo sa mga evacuation centers
Unread post by news.legazpi » Mon Jun 19, 2023 12:04 pm

LEGAZPI CITY – Plano ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng Kadiwa ng Pangulo sa mga evacuation centers.

Nilalayon nito na matulungan ang mga magsasaka na kasalukuyang naparalsa ang kabuhayan dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DA Bicol Regional Executive Director Rodel Tornilla, itatayo ang naturang Kadiwa ng Pangulo sa lahat ng evacuation centers sa lalawigan.

Sa ngayon tanging ang lungsod pa lang ng Tabaco ang nagkumpirma sa planong pagsabay sa Diskwento Caravan.

Inamin ni Tornilla na bago pa man ang anunsyo ng plano ay una nang nagbigay ng mahigit P2 milion na pondo ang Albay Provincial Agriculture Office upang bilhin ang mga produkto ng mga magsasakang nagtatanim sa loob ng 6km permanent danger zone.

Subalit oras nsa maubot ang naturang pondo, makikipagtulungan ang DA sa mga Kadiwa ng Pangulo upang direktang bilhin ng mga Mayon evacuees ang mga produktong naani.

Samantala, isinusulong din ng tanggapan ang pagtatanim ng mga fast-crops sa mga bakanteng lote ng evacuation centers tulad ng petsay at sitaw na makakatulong sa mga residente.

Kung sakali mang bumuti na ang sitwasyon ay may nakalaang mga binhi at pataba na ipapamigay sa mga magsasaka.