-- Advertisements --

Aabot sa $60.1 milyon sa ang kabuuang premyo na mapapanalunan sa US Open tennis ngayong taon.

Ang magkakampeon naman sa singles sa men’s and women’s singles ay magwawagi ng tig $2.6 milyon na mas doble ito sa mga runner-ups.

Mas mataas ang kabuuang premyo ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang $57.5-M.

Ang nasabing halaga ay base na rin sa ginawang konsultasyon ng US Tennis Association sa Women’s Tennis Association at Association of Tennis Professionals (ATP) Player councils.

Magsisimula ang US tennis Open sa Agosto 29 hanggang Setyembre 11.