Sumampa sa P12 billion ang kabuuang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura mula sa 10 rehiyon dahil sa pananalasa ng nagdaang mga bagyong Egay, bagyong Falcon at habagat sa bansa.
Base sa final bulletin ng Department of Agriculture (DA) – Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, naapektuhan ang nasa 437,032 magsasaka at mangingisda sa Cordillera region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Caraga.
Naapektihan din ang 250, 174 ektarya ng agricultural areas at tinatayang nasa 279,289 MT ang production loss.
Kabilang sa mga naapektuhang mga commodities ang bigas, masi, high-value crops, livestock at poultry maging ang fisheries.
Samanatala, naipamahagi naman na ng DA ang mga tulong para sa mga naapektuhang mangingisda at magsasaka.
Mayroon ding P700 million na halaga ng Quick Response Fund ang kasalukuyang pinoproseso para sa rehabilitasyon at recovey ng mga apektadong lugar.