-- Advertisements --

CEBU CITY – Aabot sa kabuuang P14.6 million halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa dalawang magkahiwalay na buy bust operation kahapon, Seytembre 21, sa Cebu kung saan apat na indibidwal ang nahuli.

Unang naaresto sa isinagawang operasyon sa Brgy. Bacayan sa lungsod sina Rolan Mercado, 29, tubong Tapalong, Davao City; Reynaldo Aldrena, 36; at Ryan Sanoria, 38.

Nakuha mula sa mga suspek ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P7.2 million.

Makalipas naman ang ilang oras matapos ang unang operasyon, isang regional level high value individual naman ang arestado sa Brgy. Suba sa nasabing ding lungsod kung saan nakumpiska ang P7.4 million na halaga ng droga.

Nakilala ang suspek na si John Mark Cuizon alyas Okong, 26.

Ayon pa sa pulisya na umabot ng isang buwan bago ikinasa ang operasyon.

Mayroon na rin umano silang pangalan na nakuha mula sa suspek ngunit patuloy pa ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Sa ngayon, nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.