-- Advertisements --

Kasalukuyang tinitira ng Russia ng mga missile atatck ang kabisera ng Ukraine na Kyiv ngayong araw na ikinasugat na ng 13 katao at ikinasira ng mga residential buildings at industrial facilities.

Ayon kay Mayor Vitali Klitschko, kabilang 2 isinugod sa ospital na nasugatan sa pag-atake sa kabisera ay ang 11 taong gulang na batang babae.

Napinsala din sa pag-atake ang apartment buildings, isang kindergarten, isang business establishment, imprastruktura, at mga sasakyan.

Iniulat naman ng Air Force na naglunsad ang Russian forces ng 2 ballistic missiles 29 Kh-101/Kh-555 cruise missiles mula sa Volgodonsk area sa Rostov Oblast at mula sa Engel ng Saratov Oblast.

Napabagsak naman ng Ukraine air defense system ang lahat ng 31 Russian missiles na tumatarget sa kyiv.

Nagtagal naman ang air alerts sa kabisera ng halos 3 oras.