Humingi ng malalimang imbestigasyon ang kaanak ng nasawing British billionaire na si Hamish Harding sa kamatayan ng iba pang pasahero ng Titan submersible.
Kasama sa mga itinuturing nasawi na ay sina Shahzada Dawood, 48 anak nitong si Suleman Dawood, 19, Paul-Henri Nargeolet, 77, at Stockton Rush, 61.
Itinanggi naman ni Guillermo Söhnlein, ang co-founder of OceanGate na nagkaroon ng pagpapabaya sa kaligtasan at ang paggamit ng substandard ng mga materyales sa paggawa ng nasabing Titan submersible.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay si British Prime Minister Rishi Sunak sa mga kaanak ng nasawing biktima.
Nanawagan naman si Charlie Haas ang pangulo ng Titanic International Society na nararapat na matigil na ang pagbiyahe ng mga tao para pasyalan ang mga bahagi ng makasaysayang barkong Titanic.