-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Hinamon ni presidential candidate Leodegario ‘Ka Leody’ de Guzman ang national government na resolbahin ang mga pag-atake ng mga katutubo dahil sa usaping lupain sa bansa.

Kasunod ito nang pamamaril ng private guards ng Kiantig Development Corporation dahil pinasok ng tribung Manobo-Pulangiyon ang apat na ektaryang lupain alinsunod sa kautusan ng batas dahil paso na ang 25-year contract bilang plantasyon ng pinya sa Barangay San Jose, Quezon, Bukidnon.

Sinabi ni De Guzman kailangan na matigil ang mga pang-aatake ng mga lumad na matagal nang malaking suliranin na kinaharap ng bansa.

Hindi rin mabatid ng labor leader kung siya ang tina-target ng mga suspek bagkus tumama ang bala sa kanyang katabi na si Nanie Abela nang magka-takbuhan na ang mga Manobo kahapon ng umaga.

Una rito,sinamahan ng De Guzman ang mga katutubo na pasukin ang lupain dahil pinahintulutan naman umano sila ng National Commission on Indigenous People (NCIP) 10 subalit alingawngaw ng mga putok ng baril ang naririnig kahapon sa lugar.

Magugunitang ipinag-utos ni Police Regional Office 10 Director Brig Gen Benjamin Acorda Jr ang madaliang imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod nang pamamaril at tuluyang makasuhan ang mga ito.

Napag-alaman na taong 2018 na dapat i-bakante ng kompanya ang lupain at legal na sana itong mabalikan ng mga katutubong kababayan sa lugar.