-- Advertisements --

Nananatiling malusog pa rin si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Jose Dominic Clavano IV , na nasa bahay lamang nagtatrabaho ang kalihim kung saan binibisita rin nila ang kalihim.

Patuloy pa rin aniya itong nagpapagaling mula sa major heart bypass operation nito noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Clavano, na pinaghinay-hinay siya ng mga doctor nito dahil sa hindi biro ang limang arteries nito na na-bypass.

Mahina na rin ang immune system ng kalihim dahil sa mga gamot pero nananatiling aktibo pa rin ito.