-- Advertisements --

Desidido si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na panagutin ang mga nasa likod ng kwestyonableng pagkamatay ng mga preso na sinasabing dahil sa COVID-19 infections sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kaugnay nito nakipagpulong ang Justice Secretary sa bagong talagang Officer-in-charge ng NBI Medardo De Lemos matapos na maghain ang NBI sa DOJ ng isang murder complaint laban sa ilang tauhan ng Philippine National Police na sangkot umano sa pagkamatay ng mga high-profile inmates.

Ayon sa abogado ng Office of the Secretary of Justice na si Atty. Jose Dominic Clavano, nais ng Justice Secretary na ivalidate muna ang mga iprinisentang facts subalit nais nito na siyasating maigi ang naturang insidente.

Una rito, isiniwalat ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na nasa 22 tauhan ng PNP-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang pinangalanan bilang respondets sa murder complaint.

Lahat ng mga respondets na nakadestino sa New Bilibid Prison nang masawi ang mga high profile inmates ay inakusahan ng 8 counts of murder.

Maaalala, mula Mayo hanggang Hulyo ng taong 2020, nasa siyam na high prrofile inmates sa Bilibid ang nasawi umano dahil sa covid19 kabilang dito sina Jaybee Sebastian, Amin Imam Boratong, Eugene Ho Chua, Francis Go, Benjamin Marcelo, Sherwin Sanchez, Willy Yang, Shuli Lim Zhang, at Hung Kin Sing na kilala din sa pangalang Jimmy Ang.