-- Advertisements --
Gagamitin ni Filipino-Japanese karateka Juna Tsukkii ang kaniyang naging tagumpay sa katatapos na 10th Southeast Asia Karate Federation Championships para magtagumpay sa paparating na 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.
Ayon sa 31-anyos na si Tsukii na mahalaga ang paglahok sa mga iba’t-ibang torneo para makakuha ng rankings.
Nagtungo pa umano ito sa Serbia kasama ang kaniyang ka-teammates para doon magsanay kung saan kasama na rin ito sa paghahanda sa nalalapit na SEA Games.
Target kasi nito na mabawi ang gintong medalya dahil nabigo niya itong makuha noong 2021 SEA Games na ginanap sa Vietnam.