GENERAL SANTOS CITY – Nasa 80% na ang umano kondisyon ni Sen. Manny Pacquiao kaugnay sa preparasyon para sa nakatakdang laban sa US champion na si Errol Spence.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan kay coach Buboy Fernandez, kanyang inihayag na maganda naman ang takbo ng training ng fighting senator sa Wild Card Gym sa GenSan.

Dagdag pa nito na ang right hook ni Spence ang kanilang pinag-aaralan ng husto maliban sa straight punch na may kakaibang istilo.
Ayon kay Fernandez, may ginawa nang counter punch ang Team Pacquiao kaugnay nito at kanilang pagsisikapan na maiuwi sa Pilipinas ang mga belt ni Spence.
Una nang naiulat na sa darating na Sabado, Hulyo 3, ang tentative schedule ng Team Pacquiao na tutulak patungong Amerika at doon ipagpapatuloy ang training kasama si coach Freddie Roach.
















