-- Advertisements --

Nagdagdag ng panibagong medalya para sa Pilipinas si Juliana Mykhail Candelaria matapos makuha ang silver medal sa women’s poomsae ng taekwondo sa 20th Asian Games sa Japan.

Nakakuha ng kabuuang score na 9.13 points sa kanyang performance, upang makuha ang ikalawang puwesto sa kompetisyon. Nakuha naman ni Haeun Jung ng South Korea ang gintong medalya matapos magtla ng kabuuang score na 9.31 points.

Ang silver medal ni Candelaria ang panglimang pilak para sa Pilipinas sa 2026 Asian Games. Sa kabuuan, umabot na sa 20 ang medalya ng bansa, kabilang ang tatlong gold, limang silver at 12 bronze medals.