-- Advertisements --

Papalo na mamaya sa peak intensity o pinakamalakas na pwersa ang hanging dala ng typhoon Julian bago ito tuluyang lalabas sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 710 km sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito nang pahilaga, hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.

May lakas itong 150 kph at pagbugsong 185 kph.

Samantala, isa na namang namumuong sama ng panahon ang binabantayan ng Pagasa na malapit sa karagatang sakop ng ating bansa.

Namataan ito sa layong 2,000 km sa silangan ng Luzon, ngunit maliit pa ang tyansang maging bagyo sa susunod na mga oras.