-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang pwersa ng severe tropical storm Julian o may international name na “Maysak.”
Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 770 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
May taglay na itong lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran, ngunit mabagal ang pag-usad.
Samantala, ramdam naman ang paglakas ng hanging habagat sa western section ng Luzon.