-- Advertisements --

Ibinahagi ng beteranong Hollywood actress Julia Roberts ang kaniyang sekreto kung bakit parang hindi ito tumatanda.

Sinabi nito na nasa tao ang pagiging mukhang bata ganun na rin ang pagkakaroon ng magandang lahi.

Dagdag pa nito na dapat ay nasa mabuting pagmamahal ng isang tao at laging maging masaya para hindi agad tumanda.

Mas pinili niyang huwag maghubad sa mga pelikula dahil ayaw niyang maiba ang imahe niya bilang actress.

Nakilala ang actress sa mga pinagbidahang pelikula gaya ng “Pretty Woman”, “America’s Sweetheart”, “My Bestfriend’s Wedding” at maraming iba pa.