-- Advertisements --
Minultahan ng judge sa New York ng $5,000 si dating US President Donald Trump.
Ito ay dahil sa paglabag niya sa gag order ukol sa kinakaharap niyang civil fraud trial.
Ayon kay Judge Arthur Engonon na hindi pa rin tinanggal ni Trump ang online post nito na tumutuligsa sa clerk ng korte.
Binantaan pa ng judge ang dating pangulo na kaniyang ipapakulong kung hindi pa rin tinanggal ang online post niya na umanoy walang katotohanan at ito ay paninira lamang.
Bagamat nabura na sa social media ni Trump ay nananatili pa rin ito sa websites ng dating pangulo.
Humingi na rin ng paumanhin ang abogado ni Trump na si Christopher Kise dahil sa nagawang pagkakamali.