Mananatili raw sarado ang operasyon ng Emergency Room ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center hanggang August 31.
Ayon sa inilabas na advisroy ng JRRMMC, ito’y para bigyang daan ang patuloy na pagkukumpuni ng kanilang Emergency Service Complex.
“Bilang pagsunod sa pinaigting na health standard ng pamahalaan, humihingi kami ng pag-unawa sa publiko na patuloy na pagsasara ng Emergency Service Complex ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center hanggang Agosto 31.”
“Upang ito ay maging mas ligtas at mas kapaki-pakinabang para sa lahat.”
Ayon sa ospital, may itinalaga silang ibang pagamutan na pwedeng pagdalhan ng mga pasyenteng isusugod sa JRRMMC.
“Ang mga pasyente na dadalhin sa JR sa panahong ito at ililipat sa Tondo Medical Center (kapag walang COVID) o sa San Lazaro Hospital at Dr. Jose N. Rodriguez Medica Center (kapag may COVID).”
Abiso ng JRRMMC, sa September 1 ay inaasahang makakapagbalik operasyon na ang kanilang ER para sa mga pasyente.
Kung maaalala, unang nag-anunsyo ng temporary closure sa operasyon ang pasilidad ng ospital noong August 19 hanggang 26. Pero ito ay para sa disinfection dahil sa tumaas na COVID-19 cases sa pagamutan.