-- Advertisements --

Walang nakikitang problema si Filipino boxer Jonas Sultan sa paghaharap niya kay dating world champion Paul Butler.

Ipinalit kasi siya kay John Riel Casimero dahil sa paglabag sa panuntunan ng British Boxing Board of Control sa laban nila na magaganap sa Abril 23 sa Liverpool, England.

Sinabi ni Sultan na ito na ang pinakamalaking laban niya sa career.

Inamin nito na gutom siya sa panalo at tiniyak nito ang matinding laban na ipapakita kay Butler.

Magugunitang pinagpapaliwanag si Casimero ng WBO sa loob ng 48 hours para hindi siya tanggalan ng titulo.

Mayroong record si Butler na 35 panalo, dalawang talo at 15 knockouts habang si Sultan ay mayroong 18 panalo, limang talo at 11 knockouts.