Inaasahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na itatanggi ng CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front) founder na si Joma Sison na hindi siya nakakatanggap ng porsiyento mula sa extortion money.
Ayon kay AFP chief of staff General Eduardo Año, sinungaling, manloloko at kriminal si Sison.
Mas magugulat aniya sila kung aamin si Sison na napupunta rito ang malaking bahagi ng pangongotong ng NPA sa mga negosyante.
Ito’y lalo’t walang money o paper trail na direktang mag-uugnay kay Sison.
Tinukoy ni Año ang CPP-NPA-NDF founder bilang utak sa Plaza Miranda bombing noong 1971.
Si Sison at mga kasamhaan daw nito sa NPA ay guilty sa extortion, grave coercion, destructive arsons, at kidnapping.