Naghanap lamang ng masisisi si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang kapalpakan sa paghawak sa krisis ng coronavirus pandemic kaya nag-alok ito ng P2 milyong pabuya para mahanap at mapatay ang mga lider ng komunistang grupo.
Ito ang naging reaksyon ni Communist Party of the Philippines (CPP) President Jose Maria Sison sa naging pahayag ng pangulo laban sa NPA.
Ayon pa kay Sison na ipinapalabas ng pangulo na matalino ito sa pagbibigay ng pabuya para maaresto at mapatay ang mga rebeldeng grupo.
Gaya rin ng unang pahayag nito na barilin ang mga lumalabag sa ipinapatupad na lockdown, magreresulta lamang ito sa pagpatay sa mga inosenteng tao.
Inilarawan pa ni Sison ang pagtugon ng pangulo sa coronavirus na kakulangan ng medical supplies, kawalan ng mass testing at ang kamatayan ng mga healthcare workers.