-- Advertisements --
Nagsama ng puwersa sina Aaron Gordon na may 27 points at si Nikola Jokic na nagtala naman ng triple-double upang idispatsa ng Denver Nuggets ang Oklahoma City Thunder, 122-110.
Si Jokic, na two-time reigning MVP ay kumamada ng 15 points, 13 rebounds at 13 assists.
Ito na ang kanyang ikatlong triple-double ni Jokic ngayong season at ika-79th sa kanyang career.
Nalampasan na niya ang NBA legend na si Wilt Chamberlain na may pinakamaraming triple-doubles sa isang center.
Malaking tulong naman ang ginawa ni Jamal Murray na may 24 points para sa Nuggets.
Una nang pinahiya ang Denver (5-3) ng Los Angeles Lakers nitong nakalipas na Lunes.
Sa kampo ng Thunder (4-4) nasayang ang ginawa ni Shai Gilgeous-Alexander na nagtala ng 37 big points.