-- Advertisements --

Isasagawa sa susunod na buwan ang joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla Taborlupa, na pinaghahandaan na ng Philippine Air Force ang Cope Thunder Philippines 2024-1.

Mayroong pinagsamang sea, air at ground exercises ito sa pagitan ng AFP at US Pacific Air Forces.

Layon ng nasabing exercise na magkaroon ng bilateral fighter training sa pagitan ng Pilipinas at US air forces at maimprove ang combined interoperatibility.

Noong nakarang taon lamang ay binuhay ng US at Pilipinas ang Cope Thunder joint exercise matapos ang 33 taon mula ng mahinto ito noong 1991.