-- Advertisements --
western command center 1

Nagsagawa ang Western Mindanao Command ng Joint Ready Reserve Unit Training for Disaster Response sa WestMinCom Grandstand Basement sa Camp Navarro, Calarian.

Isinagawa sa naturang pagsasanay ang joint face-to-face lecture, practical exercises sa pagresponde sa mass casualty incidents, triage and first aid sa mga sugatan, at pati na rin sa light search and rescue operations.

Ito ay nilahukan ng nasa 30 officers at enlisted personnel mula sa regular at reserve force ng 9th Regional Community Defense Group, 6th Air Force Reserve Center, Naval Reserve Center Western Mindanao, Air Force Liaison Office-Western Mindanao, at Joint Task Force Zamboanga.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief MGEN Steve Crespillo, layunin ng pagsasanay na ito na mas mapaigting pa ang kaalaman at skills ng mga regular at reserve forces pagdating sa pagtugon sa mga possible local hazards.

Ang CADRE training ay isa ring expansion program na magpapalakas pa sa kapabilidad ng naturang mga puwersa sa pagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response operations.