
Matagumpay na naikasa ng Pilipinas at Indonesia ika-37 Coordinated Patrol sa Manado, North Sulawesi, Indonesia na isinasagawa ng dalawang hukbong pandagat apat na beses kada taon.
Kabilang sa mga nakilahok sa naturang aktibidad ay ang 35 delegado ng Philippine Border Committee sa pangunguna ng chair nito at Commander of Eatern Mindanao Command na si LTGen Greg Almerol, kasama si Commodore Carlos Sabarre, ang commander ng Naval Forces Eastern Mindanao na tumatayo ring vice chair ng PHBC.
Kasama rin sa delegasyon ng Pilipinas ang iba’t-ibang mga opisyal ng Philippine Coast Guard, Bureau of Immigration, National Intelligence Coordinating Agency 11, Department of Foreign Affairs 11, Bureau of Quarantine 11, Philippine Statistics Authority 11, at iba pang opisyal ng Armed Forces of the Philippines.
Isinagawa naman ang naturang joint patrol gamit ang BRP Artemio Ricarte at NV-393 Aircraft ng Philippine Navy , at gayundin ang KRI Escolar-871 ng Indonesian Navy.
Layunin nito na mapalakas ang interoperability ng dalawang pwersa pagdating sa pagbabantay sa common border ng dalawang bansa laban sa mga pamimirata, smuggling, illegal crossing at marami pang iba.










