-- Advertisements --

Tinututukan muna ni Jessy Mendiola ang pag-aalaga sa kanyang kalusugan kaya pansamantalang nagpapahinga sa acting career.

Kasabay ito ng pag-amin ng 28-year-old actress na “in the making” na sila ng celebrity husband na si Luis Manzano, sa pagbuo ng mga magiging tsikiting nila.

Ayon kay Jessy, nagwi-workout pa rin naman siya kahit may mga sabi-sabi na kapag planong magbuntis ay dapat hindi masyadong nagkikilos.

Gayunman, mahirap na aniyang alisin ang nakasanayan pero ang konsiderasyon na lamang ay pagsasagawa ng magagaan lamang na exercise.

“Actually iniisp ng lahat pregnant ako eh. I’m not yet. I’ll tell everyone naman don’t worry about it. I miss acting. I miss taping. I miss all of my katrabaho but siguro medyo hindi ko pa siya priority now kasi ang dami ko pang ginagawa na iba. I’m really focused on building my life with Luis.. I still workout naman,” ani Mendiola.

-- Advertisement --

Buwan ng Marso ngayong taon nang ikasal sina Jessy at Lucky matapos ang apat na taon bilang magkasintahan.

Naging usap-usapan ang kulay pink na suot ni Luis dahilan upang maungkat muli ang isyu sa umano’y sekswalidad ng anak nina Edu Manzano at Vilma Santos-Recto.

Una nang dumipensa ang stylist na si Rex Atienza sa pagsasabing akma ang pink na mangibabaw, para sa karaniwang kulay green at brown sa bukid kung saan ginanap ang pag-iisang dibdib.