-- Advertisements --

Nanguna pa rin ang Jersey ni Golden State Warriors star Stephen Curry sa dami ng mga nabebenta sa bansa.

Ito ay base sa pagtaya ng NBA Store Philippines.

Pumangalawa naman sa listahan si Los Angeles Lakers star LeBron James habang nasa pangatlong puwesto si Dallas Mavericks star Luka Doncic.

Pang-apat na puwesto si Jayson Tatum ng Boston Celtics at Kevin Durant naman naman na nasa Brooklyn Nets ang nasa pang-limang puwesto.

Nangibabaw din ang Golden State Warriors sa mga merchandise na mabenta sa nasabing NBA Store.